This is the Multiples Choice Questions Part 1 of Filipino. In preparation for the LET Exam, practice, and familiarize every question we have, it might be included in the actual examination. Good luck.
Be fully prepared for your exam, follow our tips on effective studying and test-taking strategies. Click here to read the tips:
Tips to overcome PANIC during board exam |
Best time schedule for review and tips on how to follow it strictly |
Things to do while waiting for the result of your board exam |
More… |
Filipino Part 1
1. Kung ikaw ay papasok sa isang negosyong may kinalaman sa paglalathala ng mga babasahin, kailingang mahaba ang iyong pisi.
a. mahaba ang pasensya
b. maraming puhunan
c. maraming kagamitan
d. malakas ang resistensya
sagot: b
2. Mabilis na tumaas ang kanyang puwesto sa kompanya dahil malapit siya sa manuhan.
a. kilala ng mga suki ng kompanya
b. mahusay ang kanyang trabaho
c. malakas sa may-ari
d. mahusay makisama
sagot: c
3. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib.
a. hinihingal
b. nagsisikip ang dibdib
c. inaatake
d. kinakabahan
sagot: d
4. Hindi makapaniwala ang magkapatid na mayroong babae ang kanilang ama.
a. kaibigan
b. kalaguyo
c. kapatid
d. anak
sagot: b
5. Umuwi si Pepe na baligtad ang bulsa.
a. nadukutan
b. natalo sa sugal
c. nasabit sa alambre ang bulsa
d. walang pera
sagot: b
6. Hoy, hindi mo mabibilog ang ulo ko sa mga pinagsasabi mo.
a. maloloko
b. malilito
c. maiinis
d. mapapatawa
sagot: a
7. Naunawaan ko siya nang buksan niyang ang kanyan dibdib sa akin.
a. nagtapat ng damdamin
b. umamin ng kasalanan
c. nagpahayag ng pag-ibig
d. humihingi ng tulong
sagot: a
8. Basta nagtaas ng boses si nanay, nagbabahag ang buntot ni tatay.
a. tumatahimik
b. napapakamot sa ulo
c. natatakot
d. umaalis
sagot: c
9. Tulungan mo namang manalo iyong maigsi ang buhok, bata ko ‘yon, e.
a. kasintahan
b. anak
c. kaibigan
d. kakilala
sagot: a
10. Sino ba ang manok mo sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas?
a. kakilala
b. kamag-anak
c. gusto
d. kaibigan
sagot: c
11. Kaya ka madalas napapaaway ay dahil mapagsagap ka ng alimuon.
a. mahilig sumabat sa mga nag-uusap
b. tsismoso/tsismosa
c. laging bida sa mga umpukan
d. mapagkalat ng hindi totoong balita
sagot: b
12. Napasok ng masasamang-loob ang kanilang bahay.
a. kaaway
b. lasing
c. magnanakaw
d. estranghero
sagot: c
13. Ang taong may ginintuang puso ay pinagpala ng Diyos.
a, maawain
b. mayaman
c. kilala
d. maamo
sagot: a
14. Gawin mo na ang isda, habang natutulog ang bata.
a. iluto
b. ihanda para iluto
c. kainin
d. ubusin
sagot: b
15. Gasgas ang bulsa ng mag-asawa matapos ang piyesta.
a. wala nang pera
b. nauubos ang ipon
c. nagastusan nang malaki
d. napagod nang husto
sagot: c
16. Ang kanyang ginintuang tinig ang naging puhunan niya upang makilala ng buong mundo.
a. malakas na boses
b. matatas magsalita
c. mataas na boses
d. magandang boses
sagot: d
17. Daanan mo nga si Gingging sa palengke bago ka umuwi.
a. sunduin
b. isama
c. tingnan
d. kausapin
sagot: a
18. Kulang pa sa edad ang kanyang anak kaya saling-pusa lang sa klase.
a. pamparami
b. panggulo
c. hindi talaga kasali
d. pampasaya
sagot: c
19. Madalas silang sumasala sa oras kaya mapapayat silang lahat.
a. nalimutang kumain dahil sa dami ng trabaho
b. hindi nakakain dahil sa kahirapan
c. hindi nakaluluto ng pagkain sa oras
d. walang oras para kumain
sagot: b
20. Sa unang linggo ng buwan sila haharap sa dambana.
a. sisimba
b. magdarasal
c. magpapakasal
d. mangungumpisal
sagot: c