This is the Multiples Choice Questions Part 2 of Filipino. In preparation for the LET Exam, practice, and familiarize every question we have, it might be included in the actual examination. Good luck.
Be fully prepared for your exam, follow our tips on effective studying and test-taking strategies. Click here to read the tips:
Top 10 best food to eat for effective board exam review. |
Not passing the board exam does not mean you are not smart. |
There are two sides of the coin, to pass the board exam or to fail it |
More… |
Filipino Part 2
1. Ang kanilang tatay ay parang manok na kahig nang kahig.
a.trabaho nang trabaho
b. kain nang kain
c. tulog nang tulog
d. hingi nang hingi
sagot: a
2. Basta nagsimula nang dumilim, naglalabasan na sa kanilang lungga ang mga kalapating mababa ang lipad.
a. mga panggabing ibon
b. mga mananayaw
c. mga babaing bayaran
d. mga tinderang panggabi
sagot: c
3. Si Rosa ang tangi niyang kahiramang-suklay mula pa noon.
a. kaibigan
b. karamay
c. takbuhan pagmay kailangan
d. hiraman ng suklay
sagot: a
4. Basta tumaas na ang araw, nag-iisa nang kakawag-kawag si inay sa bahay dahil nagsipasok na ang lahat.
a. gumagawang mag-isa
b. nalulungkot sa pag-iisa
c. walang makausap
d. naiinip sa bahay
sagot: a
5. Hindi pwedeng wala si Inday, siya ang paa’t kamay ni nanay.
a. kasama sa bahay
b. katulong sa lahat ng gawain
c. bantay sa bahay
d. tagapag-alaga
sagot: b
6. Darating ako sa Linggo para hingin and iyong kamay sa iyong mga magulang.
a. aakyat ng ligaw
b. ipagpapaalam para lumabas
c. susunduin
d. mamamanhikan
sagot: d
7. Mawawasak ang iyong pamilya kung hindi ka titigil sa paglalaro ng apoy.
a. pagsisiga
b. pagsisinungaling
c. pagtataksil
d. mamamanhikan
sagot: c
8. Kahit bata pa ay kumikita na siya ng pantawid-gutom nilang magkakapatid.
a. malaking pera
b. konting perang pambili ng pagkain
c. pambayad sa utang
d. hindi gumagalaw
sagot: b
9. Patawirin ang batang isusugod sa ospital.
a. malubha ang kalagayan
b. hindi makahinga
c. sugatan at walang malay
d. hindi gumagalaw
sagot: a
10. Pikit-mata niyang pinasok ang nagliliyab na bahay upang iligtas ang nakulong na bata.
a. maingat
b. mabilis
c. buong tapang
d. hindi na nag-iisip
sagot: c
11. Naiinis siya sa kapatid na parang patabaing-baboy.
a. malakas kumain
b. masyadong mataba
c. sobrang tamad
d. laging matutulog
sagot: c
12. Siya ang utak ng malaking nakawan sa bangko kagabi.
a. nagsasagawa
b. pinuno
c. katulog
d. may pakana
sagot: d
13. Nakakahawa ang mga taong walang ilaw ang mga mata.
a. may sakit sa mata
b. nakatira sa lugar na madilim
c. katulong
d. may pakana
sagot: c
14. Ang bunsong lalaki ng pamilya ay walang iniwan sa kanyang ama.
a. kamukhang-kamukha
b. walang minanang katangian
c. malayo ang itsura
d. naiiba
sagot: a
15. Mahirap kausap ang babaing iyan na walang preno ang bibig.
a. masyadong madaldal
b. malakas ang boses
c. walang pigil sa gustong sabihin
d. sinasabi kahit hindi totoo
sagot: c
16. Hindi ka niya pagbibigyan sa iyong pakiusap, walang puso ang taong iyan.
a. hindi marunong maawa
b. may sakit sa puso
c. hindi maiimpluwensyahan
d. hindi kumikilala ng katwiran
sagot: a
17. Huwag mong paniniwalaan ang taong iyan, sobra siya sa pito at kulang sa walo.
a. mapanloko
b. sinungaling
c. may sira
d. madaya
sagot: c
18. Naku, may kapilyuhan ang batang iyan dahil laki sa nuno.
a. pinalayaw ng lolo at lola
b. pinag-aral ng lolo at lola
c. nakatira sa bahay ng lolo at lola
d. alaga ng lolo at lola
sagot: a
19. Kaputol siya ng pusod ko kaya magkamukha kami.
a. kapatid
b. pinsan
c. anak
d. tatay
sagot: a
20. Huwag mo nang pansinin ang mga pagmumura niya, bulaklak lang ng dila ang mga iyon.
a. palagiang lumalabas sa bibig
b. patula kung magsalita
c. laging nagmumura
d. masyadong masalita o madaldal
sagot: a