TRAYDOR NA NPA, UMATAKE NA NAMAN. BAGITONG PULIS, BIKTIMA

Ang mga miyembro ng Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 ay nakipagsagupaan sa hindi pa natukoy na bilang ng mga teroristang NPA Pebrero 12 (5:45 PM).

Ang dalawang seksyon ng Recon Company, RMFB 6 na nakabase sa PD Monfort North, Dumangas, Iloilo ay nagsasagawa ng patrolya nang makatagpo sila ng NPA sa Barangay Aglobong, bayan ng Janiuay, Iloilo.

Ayon sa mga kasama nito, nagkaroon ng enkwentro sa pagitan ng NPA at PNP, hinatak ni Police Captain EFREN ESPANTO JR ang kanyang tropa na humantong sa pagkatama nito sa ulo. Umabot sa 30-minutong pakikipagsagupaan ang nagresulta sa pagkamatay ng Team Leader na si PCPT ESPANTO JR.

Ang 29-taong gulang na si Espanto ng La Carlota, Negros Occidental ay miyembro ng PNPA Class 2015.

Tinutugis na ngayon ng ibang miyembro ng kapulisan ang tumakas na sugatang NPA.

Naulila ni PCPT ESPANTO ang kanyang asawa at 11-buwang anak.
Sa murang edad ay inialay ni PCPT ESPANTO ang kanyang buhay para makamit natin ang kapayapaan na hangad ng bawat pilipino sa bansa.

Saludo kami sayo bayani!

#BayaningPulis
#PNPKakampiMo
#TeamPNP
#WeServeandProtect

Source: PNP DPCR

Enjoyed this article? Stay informed by joining our newsletter!

Comments

You must be logged in to post a comment.

About Author