LET: Filipino Part 4

Home » LET: Filipino Part 4

This is the Multiples Choice Questions Part 4 of Filipino. In preparation for the LET Exam, practice, and familiarize every question we have, it might be included in the actual examination. Good luck.

Be fully prepared for your exam, follow our tips on effective studying and test-taking strategies. Click here to read the tips:

Tips to overcome PANIC during board exam
Best time schedule for review and tips on how to follow it strictly
Self-Review vs Review Center: Which is of more advantage to you?
More…

Filipino Part 4

1. Bakit ayaw na ayaw ni Padre Damaso kay Ibarra para mapangasawa ni Maria Clara?

a. Hindi iginagalang ni Ibarra si Padre Damaso.

b. Si Ibarra ay isang erehe.

c. Si Ibarra ay isang Indio.

d. Malaki ang galit ni Padre Damaso kay Ibarra.

sagot: c

2. Ano ang habilin ni Francisco Balagtas sa mga babasa ng kanyang Florante at Laura?

a. Huwag babaguhin ang berso.

b. Pakamahalin mo ito.

c. Huwag tawanan at dustain and abang tula ko.

d. Gawin ang ibigi’t alpa’ nasa iyo.

sagot: a

3. Ito ay uri ng Panitikang Pilipino na mula sa impluwensya ng mga Kastila. Binibigkas ito sa pamamagitan ng pakatang pagpapahayag ng mga tula.

a. Oda

b. Epiko

c. Korido

d. Soneto

sagot: c

4.Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng mga katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan ay nagmumula sa lahi ng mga diyos o diyosa.

a. alamat

b. balagtasan

c. epiko

d. zarzuela

sagot: c

5. Ano ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna?

a. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya

b. Ang Awit ng Ibong Adarna

c. Ang Mahiwagang Ibon

d. Ibong Adarna

sagot: a

6. Isang salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na ginagamit bilang simbolo upang makapagpahayag ng damdamin at makalikha ng mas malalim na kahulugan.

a. pangungusap

b. tayutay

c. oda

d. tula

sagot: b

7. Ang _________ ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o pag-alaala sa isang taong sumakabilang buhay na.

a. soneto

b. talambuhay

c. kantahin

d. elehiya

sagot: d

8. Ang Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay __________.

a. Huwag Mo Akong Salingin

b. Huwag Mo Akong Titigan

c. Lumayo Ka sa Akin

d. Huwag Kang Lalapit

sagot: a

9. Ang Biag ni Lam-ang, Darangan, Hinilawod, Ibalon at Hudhud ay mga halimbawa ng _______ ng Pilipinas.

a. alamat

b. epiko

c. sanaysay

d. zarzuela

sagot: b

10. Ito ay naging isang napakabisang paraan ng pagpapahayag ng Filipino nationalism noong panahon ng Kastila sa Pilipinas. Isang halimbawa ay ang Walang Sugat ni Severino Reyes.

a. nobela

b. zarzuela

c. bodabil

d. balagtasan

sagot: b

11. Anong teoryang pampanitikan ang ipinaglalaban ang katotohanan kaysa kagandahan? Karaniwan ay tumatalakay ang teoryang ito sa mga usaping pulitikal, kalayaan at katarungan para sa mga naaapi.

a. realismo

b. humanismo

c. marksismo

d. romantisismo

sagot: a

12. Ang ___________ ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang tao, hayop, bagay o lunan ng mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

a. himala

b. parabula

c. pabula

d. alamat

sagot: d

13. Sino itong anak-mayaman na dahil sa katalinuhan ay pinahinto ng mga magulang sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose dahil natatakot ang kanyan ina na baka malimutan niya ang Diyos kapag nagkamit siya ng higit na karunungan?

a. Pilosopong Tasio

b. Isagani

c. Elias

d. Kabesang Tales

sagot: a

14. Taong hindi sumusunod o sumasalungat sa mga utos ng simbahan. Hindi naman ibig sabihin na hindi sila naniniwala sa Diyos.

a. Filibustero

b. Erehe

c. Pagano

d. Anito

sagot: b

15. Ano ang tawag sa tao o grupo ng mga taong sumasalungat sa utos ng pamahalaan?

a. Rebelde

b. Erehe

c. Filibustero

d. Aktibista

sagot: c

16. Sino sa mga sumusunod na pari ang hindi kabilang sa mga tauhan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

a. Padre Burgos

b. Padre Salvi

c. Padre Damaso

d. Padre Sibyla

sagot: a

17. Isang nobelang Ingles na sinasabing kinunan ni Jose Rizal ng Inspirasyon sa pagsusulat niya ng Noli Me Tangere.

a. The Grapes of Wrath

b. Hope and Suffering

c. Crying in the Wilderness

d. Uncle Tom’s Cabin

sagot: d

18. Makaraang magbabang-luksa sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, kanino nagpakasal muli ang Lakambini ng Katipunan na si Gregoria de Jesus?

a. Emilio Aguinaldo

b. Miguel Malvar

c. Julio Nakpil

d. Isabelo delos Reyes

sagot: c

19. Anong tula ang isinulat ni Jose Rizal noong siya ay walong taon pa lamang?

a. Sa Mga Kababaihan ng Malolos

b. Sa Aking mga Kababata

c. Isang Alaala ng Aking Bayan

d. Ang Awit ni Maria Clara

sagot: b

20. Isang tradisyonal na awit ng pag-ibig ng mga Filipino na umunlad noong 1800. Karaniwang nagpapahayag ito ng tapat na pag-ibig ng isang lalaki sa kanyang minamahal at mga pagpapakasakit na handa niyang gawin para sa iniibig.

a. harana

b. kumintang

c. hayahay

d. kundiman

sagot: d

Tell Us What you Think

Hello everyone! If you're happy with our service or review materials, feel free to leave a review, share your thoughts below, or join the discussion.

Your feedback helps us improve!

Leave a Comment